broadcasting all over the cyberworld.. | || OTHER SHOWS: amiel | arvin | aviel | cybill | dexter | jj | kirk | lawrence | lucien | odessa | rey || | |||||||||
Animated News Gizmodo Gmail JPCS-MIT Forums Kotaku PEP Peyups Forums PinoyExchange Forums N-Europe Ultimate Britney RE-RUNS May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 August 2007 |
kahit labag sa kalooban ko, pumayag na ako.. marami akong iiwan kung masusunod ang nanay ko.. okay lang sana kung medyo malayo... pero, inde e.. lilipat ako sa isang dorm na malapit din lang sa luma.. di ba masyadong awkward yun? magkikita-kita rin kasi kami araw-araw.. marami pa ang nagtatampo.. sinabi ko na sa kanilang lahat ang hindi ko pag-renew sa contract.. kesyo ganito.. kesyo ganon.. pero sabi pa nila, dapat daw ipaglaban ko ang gusto ko, na sabihin kong ayaw kong umalis, na ayaw kong iwan mga kaibigan ko, na masaya na ako dito.. as if hindi ko na idinahilan yun dati.. tiniis ko ang mga jokes nila.. alam ko, sasabihin ninyo, mon, joke nga lang naman yun, e! wag mo masyadong seryosohin!.. pero, tandaan ninyo, jokes are half-meant.. katuwaan nga lang, sinusubukang gawing katawa-tawa ang isang nakalulungkot na sitwasyon.. pero, di parin maitatago ang katotohanan na sa bawat biro nila'y may pait at sakit silang nais iparating.. tinanggap ko na sa sarili ko ang mga mangyayari.. okay na sa akin ang lumipat.. masaya pa nga ako't parang mabibigyan ako ng isa pang pagkakataon para magbago.. ang pinaka-rason ko kung bakit ayaw ko sa bagong dorm ay mayayaman silang lahat doon.. masyadong strikto.. mabigat pa sa bulsa namin.. hirap na nga kaming bayaran ang Tuition Fee ng Mapua, lilipat pa ako sa isang dorm na di yata kakayanin ng budget namin.. marami rin naman kasing rason si mama kung bakit gusto niya akong ilipat, e.. una, walang kontrata for the first 6 months of stay ko dun.. kasi pwede akong umalis sa mapua at hindi pag-2nd year dun pag hindi ako nakakuha ng scholarship.. pangalawa, mukhang mas matino naman kasi mga tao dun, not to mention the management.. yun nga naman kasi ang kahinaan ng dorm ko ngayon.. huli, tingin ni mama mas makakapag-aral ako dun.. ako na mismo ang naga-agree dun.. very conducive ang rooms dun for studying.. para maging mas madali sa akin ang pagtanggap sa mga pangyayari, iniisip ko nalang ang mga pros ng paglipat ko dun.. mas makakapag-aral ako dun, lalo na't kailangan na kailangan ko talagang makakuha ng matataas na grades.. mukhang mas close sila sa isa't-isa, di katulad dito sa dorm na may kanya-kanyang grupo.. mukha rin naman kasing mas matitino mga tao dun, kasi ayaw nga naman ng mga mayayaman na pamilya na ipagkatiwala sa kung kani-kanino lang ang anak nila.. mas maganda ang pamamalakad nila dun, di katulad dito sa magallanes na walang nangyari sa kaso ng nawala kong cellphone.. and to think pinagmamalaki nila na may camera daw sa hallway at matatakot ang magnanakaw na gumawa ng katarantaduhan.. walang naga-addict mode dun, at hanggang 10pm lang ang computer shop dun... at least mas magkakaroon ako ng control sa sarili ko pagdating sa pagco-computer.. lahat yan, dinusa ko.. lahat yan, tiniis ko.. lahat yan, pinag-isipan ko.. tapos, kung kailang okay na sa akin, ngayon pa sasabihin na malaki ang possibility na hindi ako matutuloy dun.. naknampucha.. free day ko ang tuesday.. ayaw kong mag-madali sa paglilipat ng mga gamit ko pagdating ng june1, kaya inunti-unti ko na ang pagdala ko ng mga gamit ko dun.. dun ko lang nalaman na andami ko palang classmates sa physics na nagdo-dorm din pala sa madrigal.. sinabi na rin nung isa kong dormmate sa kaibigan niyang taga-doon na lilipat ako dun.. hell, may mga nakakita pa nga sa akin na naglilipat dun, e.. tapos, pagkatapos kong maglipat ng marami-raming gamit dun, nakatanggap ako ng text galing kay mama.. m, wag ka munang maglipat ng gamit.. napa-eyng? ako.. bakit naman? nung nalaman ko kung bakit, okay lang naman sa akin, pero nandun parin yung disappointment, e.. kung ano man ang dahilan na yun, akin nalang muna siguro yun.. bakit disappointment, kamo? kasi naman, andami kong pinagdaanan para matanggap ko ang paglipat ko.. in fact, dumating na nga ako sa point na masaya na rin ako't lilipat na ako.. tapos malalaman mo nalang hindi na matutuloy? nag-text sa akin kanina si mama.. mamayang umaga daw, pupunta siya dito.. ewan ko kung bakit.. basta, sana lang, ang dala niya para sa akin ay puro magagandang balita.. sana lang, dun na ako mag-dorm.. ipinagdadasal ko fervently na matuloy ako.. please, sana lang talaga.. |
viewers watched the show.. | ||||||||
Reception problems? That's because this show is best viewed with Internet Explorer 6.x and lower, with a 1024 x 768 resolution.. |
the monarch show |