broadcasting all over the cyberworld..
|| OTHER SHOWS: amiel | arvin | aviel | cybill | dexter | jj | kirk | lawrence | lucien | odessa | rey ||

Tuesday, January 17, 2006

last weekend, pumunta kami sa bahay ni Raine, isang blockmate ko from Tondo, kasi fiesta ng Sto. NiƱo nun..

sobrang saya! pano ba naman, ang ginawa lang namin dun ay nag-kwentuhan at nag-picture-an.. magka-karaoke pa sana kami, kaso nga lang yung friends ng kuya nung blockmate ko, hiniram yung mic, hindi na bumalik samin.. hinintay pa namin yun hanggang 3am, kaso nung kami na, hindi na pwede kasi baka mabulabog ang Tondo..

riot din yung mismong parada! maraming mga 'floats', iba't ibang klase, may mga sobrang weird pa nga, e.. may mga baklang nagsasayaw, mga lalaking parang rumarampa sa isang pageant, mga batang nagchi-cheer, mga bading na nag-ala-Darna at Sanggre, mga taong tribong nagseseremonya, at marami pang iba..

may isang bagay nga lang na nakapaputok ng husto sa butsi ko.. my god, people, magsawa naman sana kayo sa Pinoy Ako! tugtog ng banda, sayaw ng grupo, pati ba naman yung looks ni Uma?

i shudder in disbelief..

---

taena, ampangit ng puwesto ko ngayon dito sa cafe.. nabubunggo palagi ang upuan ko.. hindi ako makaupo sa gusto kong puwesto.. leche naman o..

mental note: hindi na ako uupo dito sa susunod..

Monarch's new episode aired 8:37 PM..

and you thought you were the only one watching..



viewers watched the show..
Reception problems? That's because this show is best viewed with Internet Explorer 6.x and lower, with a 1024 x 768 resolution..
the monarch show