broadcasting all over the cyberworld..
|| OTHER SHOWS: amiel | arvin | aviel | cybill | dexter | jj | kirk | lawrence | lucien | odessa | rey ||

Monday, February 13, 2006

kakaalam ko lang na may blog pala si mico.. di ko in-expect na gagawa siya ng blog kasi sabi niya di siya marunong, pati wala siyang alam sa html/css codes..

tapos, hayun.. ewan ko kung paano ako napadpad sa blog niya.. actually, natatandaan ko na.. binuksan ko yung friendster ni colm [hello colm!], tapos nakita ko dun na updated yung blog ni mico.. hehe.. ang mabait na kuya, binubuksan ang friendster ng kapatid.. hehe..

buti nalang may blog na siya.. actually, nung umuwi ako sa amin, may nakita akong notebook sa sala namin.. nang buklatin ko yun, nagulat ako.. magaling pala magsulat ang kapatid ko.. sobra.. mas matino naman kasi siyang mag-journal kaysa kay colm..

kaya, mico, kung mabasa mo man ito, eto masasabi ko sa iyo: pag-uwi ko jan, promise ko, tutulungan kitang gumawa ng mas maayos na blog.. gusto ko kasing magkaroon ka ng magandang outlet para sa iyong literary pieces.. [pero ide-design ko yung blog sa oras mo ha.. hehe..]

kapag hindi mo naman mabasa ito, e di pasensyahan nalang.. walang libreng blog design.. *hagikgik*

Monarch's new episode aired 5:37 PM..

and you thought you were the only one watching..



viewers watched the show..
Reception problems? That's because this show is best viewed with Internet Explorer 6.x and lower, with a 1024 x 768 resolution..
the monarch show