broadcasting all over the cyberworld..
|| OTHER SHOWS: amiel | arvin | aviel | cybill | dexter | jj | kirk | lawrence | lucien | odessa | rey ||

Friday, March 17, 2006

earlier today, tin and i went to the PBBTE screening.. ako, pinilit ni mama.. siya, ayaw ng mom niya.. pero pareho kaming trinatong trip-trip lang iyon..

taena, ayos din yung experience.. sobrang haba nung pila, papasok ng ELJ building.. after almost 2 hours ng paghihintay, nang papalapit na kaming dun sa airconditioned part, kinuha yung ID na may control number na binigay samin sa start nung pila.. pagkatapos nun, pinapasok na kami..

excited yung iba.. kami, wala lang.. ini-direct kami nung mga sekyu kung san dadaan.. tapos dumating sa isang part na hindi na siya glitzy, na gray nalang ang walls and may mga pipes na nakalitaw.. nag-joke ako: "antagal natin pumila, tapos diretso na pala tayo sa exit.. haha.."

p_cha, bumungad nga samin ang gate.. yun na yun..

nung una, hindi pa kami makapaniwala ni tin.. anong nangyari? yun na ba yun? ganon ba kabilis ang mga pangyayari at hindi man lang namin napansin na may sumuri na sa amin?

nung na-compose na namin ang aming mga sarili, na-realize namin na medyo astig din ang screening nila.. mala-Big Brother talaga.. ino-obserbahan ka nila habang nakapila ka palang.. kaya pala sinabi nung sekyu dun sa mga malapit samin, nung nasa may bandang end na kami, na wag daw mag-ingay, kasi malapit daw kami sa area ni direk..

nakakatawa.. nakakaloko.. nakakabaliw..

next time, sa senior edition nalang..

Monarch's new episode aired 11:41 PM..

and you thought you were the only one watching..



viewers watched the show..
Reception problems? That's because this show is best viewed with Internet Explorer 6.x and lower, with a 1024 x 768 resolution..
the monarch show