broadcasting all over the cyberworld..
|| OTHER SHOWS: amiel | arvin | aviel | cybill | dexter | jj | kirk | lawrence | lucien | odessa | rey ||

Monday, May 29, 2006

snatched from this blog..

Basic rules:
1) List 10 things you want to say to people but know you never will.
2) Don't say who they are.

1. akala ko ikaw na.. as in dazed ako nung nagkakilala tayo.. pero, ewan ko kung bakit, pero biglang nawala yung spark, e.. pasensya na.. friends parin naman tayo..

2. ginawa ko naman lahat ng pwede kong gawin, a? kung magsalita ka as if wala akong naitulong.. akala ko pa man din maintindihan mo ang sitwasyon ko.. pati kailangan ba ako nalang palagi ang kumikilos? mahiya ka naman sakin, kahit konti lang..

3. akala ko of all people kayo ang makakaintindi.. buti nalang hindi pa ako nag-sasalita.. isang malaking dagok sa pagkatao ko yung mga sinabi niyo..

4. buti nalang i haven't made any moves yet.. i'll just wait for cupid do its moves.. malapit na tayong magkakilala..

5. sana lang iniisip mo na medyo napapahiya mo na ako kapag lagi mong ipinagduduldulan sa mukha ko yung pagkakamali ko..

6. nung una, isnaban.. pero buti nalang nagkatinginan at nagkangitian na tayo kanina.. it's a start..

7. uy, kakilala mo pala siya.. nung isang beses na magkasama tayo, bigla siyang lumapit at nakipagusap sayo.. sana naman ipakilala mo ako sa kanya..

8. nampucha naman, makahalata ka naman kapag naaasar na ang tao sayo! t_ngina naman, naka-kunot na ang noo ko, kinakabahan na ang mga tao sa paligid ko, tuloy ka parin! malasin ka sana buong buhay mo..

9. gulong-gulo na ako.. sana naman matulungan mo ako.. feeling ko maiintindihan mo ako.. naiintindihan ko kasi ang sitwasyon mo, e..

10. isang araw, sasabihin ko rin.. hindi pa ngayon, hindi pa kasi tamang oras..

* pasensya na kung medyo off yung mga sinabi ko.. kumukulo kasi ang ulo ko sa ibang tao, e..

Monarch's new episode aired 10:10 PM..

and you thought you were the only one watching..



viewers watched the show..
Reception problems? That's because this show is best viewed with Internet Explorer 6.x and lower, with a 1024 x 768 resolution..
the monarch show