broadcasting all over the cyberworld..
|| OTHER SHOWS: amiel | arvin | aviel | cybill | dexter | jj | kirk | lawrence | lucien | odessa | rey ||

Monday, November 06, 2006

uhm, word of caution lang.. this is an anything goes post.. aun lan po.. :D

---

for starters, hindi na ako mapuan.. i now study at informatics, sa center nila dito sa dapitan, sa likod ng UST.. daming reasons why, like yung pabago-bagong isip ni mama, yung pagkaka-dismaya ko sa education sa mapua, at ang pagtupad ko sa matagal ko nang binabalak na pag-shift sa computer science..

well, masaya naman dito..
  • konti lang ang students per class, so mas tutok ang prof sa inyo..
  • wala nang minor subjects, lahat relevant sa computer science..
  • i can finish an AD in 2 years.. tapos pwede pang ma-reduce yun to 1.5 years lang, kung tutuusin..
  • masaya pa subjects kasi lahat talaga hilig ko, at di na ako duduguin sa kakaintindi ng concepts sa electronics at circuits..
  • close ang mga tao dito, as in very approachable and friendly [di tulad nung bookstore lady sa mapua]..
  • free internet!
downsides naman:
  • zero credit sa majors.. that means uulitin ko nanaman ang C++, logic, discrete, at data structures..
  • lumilindol pa dito maya't-maya.. as in may dadaan na bus o truck sa labas, mararamdaman mo na ang pagyanig.. well, sa side lang naman na malapit sa street, pati malapit na akong ma-immune..
  • medyo hindi ko rin trip ang classmates ko.. sinasakyan ko lang sila sa mga trip nila..
  • medyo bored ako sa classes ngayon kasi ilang beses ko nang napagdaanan iyon, kumbaga purgang-purga na ako..
  • since may edge ako versus the other students, ako yung palaging pinagtatanungan nila.. takte, hindi naman ata nila hilig ang CS, e! napipilitan lang ata..
  • eto pa: isa lang ang prof namin sa lahat ng subjects! kumusta naman iyon! i mean, dati, ayos lang kay mam santoyo kasi kahit everyday ko siyang nakikita, at least for 1.5 hours lang, di pa kami medyo magkakasawaan niyan.. pero ngayon, kumusta naman? for at least 6 hours each day siya ang tititigan namin..

good luck nalang sakin..

---

binisita pala namin si guakong nung undas.. wala lang.. dahil dun, nakita ko ulit yung mga fave cousins ko!

sakay naman ako ng LRT, tapos bumaba ng r. papa station.. at since antagal ko nang inde bumisita sa puntod ni lolo, at wala si mama para maging guide ko sa maze ng mga chinese streets and alleys, sinubukan ko nalang ang instincts ko para makarating sa puntod ni guakong.. at hindi ako nawala! wehehehe..

medyo masaya rin kahit konti lang kami dun kasi, aside from the presence of my fave cuzes, napaka-nostalgic nung mga ginawa namin nun.. like, yung pag-paste nung banderitas around the tombs, yung lighting nung dragon candles, yung lighting ng incence tapos pray kami kay lolo, tapos yung pag-burn ng 'money' para ipadala sa heaven.. wow, nakaka-miss yun, a!

sayang nga lang, konti lang kami nun.. :(

---

sobrang sira na ang body clock ko.. dati kasi, kung kailan ko lang feel matulog, saka lang ako matutulog.. ganun din sa pagkain, paglalaro sa laptop, at panonood ng movies..

ngayon, di parin ako sanay na may 8am class everyday.. pano na to?

---

may bago nanaman pala akong kamukha..

may dental clinic kasi na ka-floor ng informatics.. ngayon, yung chinese na dentista dun, kamukha ko daw..

ewan ko lang, kasi naman i have yet to meet him palang..

---

oist, naghahanap kami ni mico ng dorm/apartment/room for rent along dapitan.. sino jan ang makakatulong?

Monarch's new episode aired 3:50 PM..

and you thought you were the only one watching..



viewers watched the show..
Reception problems? That's because this show is best viewed with Internet Explorer 6.x and lower, with a 1024 x 768 resolution..
the monarch show