broadcasting all over the cyberworld.. | || OTHER SHOWS: amiel | arvin | aviel | cybill | dexter | jj | kirk | lawrence | lucien | odessa | rey || | |||||||||
Animated News Gizmodo Gmail JPCS-MIT Forums Kotaku PEP Peyups Forums PinoyExchange Forums N-Europe Ultimate Britney RE-RUNS May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 August 2007 |
masakit para sa akin nang nanghihimutok sa galit niyang sabihin sa aking bawasan ko daw ang aking paglalakwatsa at mag-aral naman daw ako.. masakit, kasi inakusahan niya akong pala-gala, pero halos sa dorm at sa center niyo lang ako matatagpuan.. masakit, kasi di niya alam kung gaano kalaking oras ang linalaan ko sa pag-aaral.. masakit, kasi ang pakiramdam ko, binigo ko ang mga taong mataas ang tingin at humahanga sa akin.. masakit, kasi para bang ipinamukha niya sa akin na iwinawaldas ko lang ang kanilang pinaghirapang pera.. at higit sa lahat, masakit para sa akin na sa kanyang mga labi pa mismo maggaling na ako palang daw ang nakapag-paiyak sa kanya ng ganoon.. ----- napakahirap makipagtalo sa nanay ko.. magagalit siya sa iyo nang dahil sa isang bagay, magrarason ka, at kapag wala na siyang laban ay walang kasing dali niyang mahahanapan ng bagong ikagagalit niya ang rason na ibinigay mo.. kaya kahit ang pagiging makakalimutin ko ang pangunahing dahilan niya upang magalit, di nakapagtatakang nauwi nanaman ang isang pagtatalo sa kanyang pagluha, at sa mga katagang "ikaw daw ang nakapag-paiyak sa akin ng ganito.." ngayon, halu-halo ang emosyong nararamdaman ko.. may parte na alam kong mayroon akong nagawang mga pagkakamali at pinagsisisihan ko ng lubusan ang mga ito.. may parte na naaawa ako sa kanya kasi hindi ko namang ninais na mauwi ang lahat sa kanyang pagdra-drama.. pero ang pinakanangingibabaw sakin ngayon ay ang galit, dahil ang ipinalabas niya sa akin na para bang ibinaliwala ko ang kanilang pagsisikap.. GALIT, kasi ang dating sa akin, wala na lang akong ginawang tama.. |
viewers watched the show.. | ||||||||
Reception problems? That's because this show is best viewed with Internet Explorer 6.x and lower, with a 1024 x 768 resolution.. |
the monarch show |