broadcasting all over the cyberworld..
|| OTHER SHOWS: amiel | arvin | aviel | cybill | dexter | jj | kirk | lawrence | lucien | odessa | rey ||

Sunday, January 28, 2007

masakit para sa akin nang nanghihimutok sa galit niyang sabihin sa aking bawasan ko daw ang aking paglalakwatsa at mag-aral naman daw ako..

masakit, kasi inakusahan niya akong pala-gala, pero halos sa dorm at sa center niyo lang ako matatagpuan..

masakit, kasi di niya alam kung gaano kalaking oras ang linalaan ko sa pag-aaral..

masakit, kasi ang pakiramdam ko, binigo ko ang mga taong mataas ang tingin at humahanga sa akin..

masakit, kasi para bang ipinamukha niya sa akin na iwinawaldas ko lang ang kanilang pinaghirapang pera..

at higit sa lahat, masakit para sa akin na sa kanyang mga labi pa mismo maggaling na ako palang daw ang nakapag-paiyak sa kanya ng ganoon..

-----

napakahirap makipagtalo sa nanay ko..

magagalit siya sa iyo nang dahil sa isang bagay, magrarason ka, at kapag wala na siyang laban ay walang kasing dali niyang mahahanapan ng bagong ikagagalit niya ang rason na ibinigay mo..

kaya kahit ang pagiging makakalimutin ko ang pangunahing dahilan niya upang magalit, di nakapagtatakang nauwi nanaman ang isang pagtatalo sa kanyang pagluha, at sa mga katagang "ikaw daw ang nakapag-paiyak sa akin ng ganito.."

ngayon, halu-halo ang emosyong nararamdaman ko.. may parte na alam kong mayroon akong nagawang mga pagkakamali at pinagsisisihan ko ng lubusan ang mga ito.. may parte na naaawa ako sa kanya kasi hindi ko namang ninais na mauwi ang lahat sa kanyang pagdra-drama.. pero ang pinakanangingibabaw sakin ngayon ay ang galit, dahil ang ipinalabas niya sa akin na para bang ibinaliwala ko ang kanilang pagsisikap..

GALIT, kasi ang dating sa akin, wala na lang akong ginawang tama..

Monarch's new episode aired 6:00 PM..

Monday, January 01, 2007

i feel like my brain has been emptied of the little wit it had..

writing's been tougher than usual.. usually takes me a long time to come up with a single sentence.. plus, my brain seems to have lost its thesaurus.. geez, i can't even compose a decent blog entry to save my life..

not only that, it's like everything i do recently are only for temporary highs.. i try to enhance my mental being, and yet nothing sinks in.. it's like, in one ear, pretend processing, out the other.. ugh, who am i kidding?

i need help.. fast..

what a way to start the year.. sheesh..

---

anyway, my seven resolutions for '07 are (1) practice better time management, (2) practice better money management, (3) more focus on studies, (4) get a [part-time] job, (5) be tougher in facing life, (6) lose more weight, & (7) start going to the gym..

huy..

Monarch's new episode aired 3:17 AM..

and you thought you were the only one watching..



viewers watched the show..
Reception problems? That's because this show is best viewed with Internet Explorer 6.x and lower, with a 1024 x 768 resolution..
the monarch show