broadcasting all over the cyberworld.. | || OTHER SHOWS: amiel | arvin | aviel | cybill | dexter | jj | kirk | lawrence | lucien | odessa | rey || | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Animated News Gizmodo Gmail JPCS-MIT Forums Kotaku PEP Peyups Forums PinoyExchange Forums N-Europe Ultimate Britney RE-RUNS May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 August 2007 |
hayan.. nakalipat na ako.. haaaay... mami-miss ko talaga ang magallanes.. sobra.. ayaw ko pang umalis, e.. pero, dahil sa pambwi-bwisit ng isang nilalang sa dorm, nagmadali nalang ako.. makikipag-plastikan pa, e.. di na nahiya.. hindi na ako umiimik, tuloy lang siya.. pinagsabihan na siya ng iba, hirit parin.. mas maganda pang umalis na, no? sana lang maging mas maganda ang experience ko dito sa dorm na ito.. baka pala it will take me quite a while to log back in.. malamang once a week nalang ako magi-internet.. acad mode kasi, e.. sali niyo na rin tipid mode.. hehe.. sige, see you guys in a week [that is, if it will last a week]! maraming salamat sa lahat ng pagpapasensiya ninyo sakin.. tiniis ninyo ang kabalastugan ko, ang panggugulo ko, ang pang-iinis ko, ang mga pagkatalo sa DotA ^_^, ang pagpapatugtog ko ng britney.. maraming salamat.. *** last night ko na ito.. ewan ko kung matutulog pa ako.. siguro hindi na.. magre-reminisce nalang ako.. iisipin ko lahat ng mga masasaya at mga mapapait na mga ala-ala na ibinigay ninyo sa akin.. *** ambigat sa puso.. parang namatayan ako.. kung alam niyo lang.. [wushu! drama mode.. haha.. ^_^] mami-miss ko ang dorm.. mami-miss ko kayo.. *** haha.. itigil na nga ang drama mode.. basta, pansinan parin sa school, ha? hehe.. sige, ingatz lagi.. pumayag na si mama.. isa lang ang ibig sabihin nun.. lilipat na nga talaga ako ng dorm.. ayos lang naman, tanggap ko na.. pero nakakalungkot talaga.. para akong namatayan.. ambigat sa puso.. andami kong iiwan.. at aalis ako kung kailan nakita ko na siya.. sob.. i pity the fools who don't manifest it.. all i need is respect.. remember that.. *** all they kept sayings is sige na kasi, wag ka nang umalis.. you expect me to stay after all that you've done to me? asa kayo.. *** oh how i wish my departure will push through.. every passing day here is becoming more and more dragging.. more especially because their approach towards me now is very very different from their usual treament.. *** they say that what goes around comes around.. if so, then when would be my turn? haaaay.. i'm getting weary of living.. should i end it now?
***
woah.. the creepy thing is that these quizzes are getting more and more accurate.. but, there are a few things that need to be clarified.. although i live a peaceful life, i tend to engage in debates often, kasi i can't stand people passing around wrong information.. and i do hope that i really do have a heart of gold and is appreciated by many.. sana lang talaga.. ^_^ if you look at it more closely, maybe i should marry myself nalang.. i was born a rabbit, and i should be born a pig.. and to think rabbits are compatible daw with pigs.. or maybe the quiz got it wrong.. maybe i wasn't supposed to be born a human.. maybe it thinks i should be born a pig.. ^_^ i passed by cybill's blog kanina.. andami kong reactions, not to mention a lot of memories, while reading the entry, so i ginawan ko na lang yun ng saliring post dito sa blog ko! ^_^ *** haaaay.. ang nakamamatay na research na kailangan para makapag-graduate from high school.. i remembered mine tuloy.. nung third year, ang proposal namin is to make a program to accompany Dr. Mateo's SelTop Math book.. it interested me soooo much [kahit na mababa nakuha ko dun.. ^_^] kaya ko naisipan na gawan yun ng program.. the project was scrapped at the start of our 4th year after we found out na Batch 2005 took their SelTop Math during our 1st sem.. we were going to test the effectivity of the program on them kasi, e since we do not have test subjects na, we decided to drop it and find a new topic for research.. ang gusto nina crisel at claire [mga groupmates ko], mag-bio nalang daw kami.. e ayaw ko, kasi hindi ko nagustuhan yung nahanap nila na topic, so umalis ako sa group.. marami akong iprinopose kay mam gena, pero ayaw niya.. pero she got excited nung nalaman niya yung pinaka-mediocre ko na idea.. as in super sisiw nalang nung project, inde ko lubusang maisip kung bakit nagustuhan pa yun ni mam.. my god, sa sobrang gusto ni mam gena nung proposal ko, gusto pa niyang isabak yung unit-converter ko sa intel.. for christ's sake, uber-lame nun! the program won't stand a chance against more complicated research projects that may actually make a significant change in the way we live.. hayan, ewan ko kung pano nalaman ni mama, pero when she found out na hindi ko pa tapos yung program kaya hindi ako nakasali, galit na galit siya sakin.. yeah, as if my program really stood a chance.. and to think ang gusto pang mangyari ni mam gena ay gumawa daw ako ng actual na calculator.. woah, masyado na yatang farfetched yun.. ?_? cybill: alam kong magaling kang mag-program, kaya i suggest na you go make one.. pero not like mine na pangit.. maybe darwin-type programs.. maganda yung idea at yung ginawa nila, e.. *** isa pa daw sa mga inaalala ni cybill ay yung mga entrance tests.. yeaaaah.. entrance tests.. ^_^ the summer before 4th year, todo review ako kahit ayaw ko.. kesyo kailangan daw para pumasa kami sa mga magagandang schools.. ayaw ko namang masayang ang HS education ko, kaya ayaw ko rin mag-aral sa kung saan-saan lang.. kaya, hayun, nag-aral nalang ako.. naalala ko tuloy yung UPCAT.. sabi nila, isa daw yun sa mga pinakamahihirap na mga exams na mae-encounter mo.. you call that hard? i'm sorry, pero honestly, relatively easy siya.. promise.. but that relatively easy test didn't bring me to UP-Diliman [Y_Y].. tingin ko kaya hindi ako pumasa kasi mabababa talaga ang grades ko sa school.. oh, wait, pumasa pala ako, pero sa UPLB.. inde naman ako nag-aral dun kasi walang Computer Engineering dun, e.. next up is ACET.. bullcrap yang ACET na yan.. this is the hardest entrance exam i have taken.. pucha.. i still remember it, e.. i have no one to talk to, it was hot even if it is raining, and i even sat on the wrong seat.. plus i bought a 5110, while yung mga nakapalibot sakin puro MMS and phones.. tapos ang pinakanakakainis dun sa ACET ay sobrang hirap nung math.. hindi ko pa siya natapos kasi hindi na-update nung proctor yung time left sa board.. i took my time, and next thing you know, the time is up.. bullcrap, i tell you.. bullcrap! sabi ng classmates ko, pag engineering daw, maganda sa Mapua.. ako naman, e di okay.. masubukan nga dun.. hindi ako nag-review, pagod ako galing sa biyahe from Nueva Vizcaya, and i was not feeling well the day i took the exam.. and, yet, nakakuha ako ng scholarship dun.. haha.. ayaw nilang maniwala na chamba lang talaga.. nagkataon lang na alam ko ang mga sagot sa exam.. need more proof na chamba lang talaga yun? look at my grades... ;) when i was taking the USTET, nakatulog ako.. kulang ako sa tulog, bumiyahe from laguna at 4am, and hindi nag-review.. haha.. pa-easy-easy lang ako nun, pero isa ang hindi ko napasa sa tatlong in-apply-an ko.. T_T last, and UE.. haha.. wala lang.. trip-trip lang talaga.. i really had no intention to study there, pero they came to Vizcaya to entice us, e.. maganda ang offer.. libre school fees, may book & travel allowances, libreng air-con dorm, at marami pang iba.. they let us take the scholarship test [ang wierd dun, pwedeng mag-calculator! ?_?].. after taking that test, nagulat nalang kami kasi may entrance test pa pala.. :rotflmao: cybill: wag kang mag-alala.. hindi ako nag formal review classes, and i'm sure a lot of your friends didn't go to one too [heck, kahit nga si marcus, e].. wag kang mag-alala.. matataas naman ang grades na nakukuha mo compared sakin, so i think you really have nothing to worry about.. ^_^ *** 4th year subjects? lemme see.. Econ: boring, pero ang kailangan mo lang talagang gawin ay makinig kay sir ximen-ero [haha!].. and tell your classmates not to do anything para mag-walk-out siya.. at first, medyo nakaka-konsiyensiya talaga, pero after the 4th or 5th time, corny na.. ^_^ Math5: haha! makinig ka ng mabuti dito.. importante to.. trust me.. sana nga lang i took math5 seriously.. sobrang importante talaga niyan sa college.. and, if you hate math now, you are gonna despise college math! ^_^ AdvTop: kung alam ko lang na relativity ek-ek yung AdvTop Physics, yun nalang sana ang kinuha ko.. super lame naman kasi ng AdvTop Robotics, e.. :rolleyes: cybill: what's up with mam connie? is everything okay? pakumusta nalang pala.. ^_^ *** last words: cybill, malas mo naman... sa kadami-dami ba naman ng teachers jan sa MPPA [^_^], si mRNA pa ang nakita mo.. tapos, bakit hindi mo kinausap si Sir Gerry? waaaa.. the next time you see him, tell him na miss na siya ng Curium [kami kasi ang only Math4 class niya nung 3rd year, e.. ^_^]! maybe now's not the right time to tell.. i'm not ready yet.. you're not ready yet.. but, soon, you're all bound to know the truth.. P.S. wala pa rin akong GF.. ^_^ decci: hindi naman sa naglilihim, pero, kung ano man yun, akin lang muna.. sorry.. kahit labag sa kalooban ko, pumayag na ako.. marami akong iiwan kung masusunod ang nanay ko.. okay lang sana kung medyo malayo... pero, inde e.. lilipat ako sa isang dorm na malapit din lang sa luma.. di ba masyadong awkward yun? magkikita-kita rin kasi kami araw-araw.. marami pa ang nagtatampo.. sinabi ko na sa kanilang lahat ang hindi ko pag-renew sa contract.. kesyo ganito.. kesyo ganon.. pero sabi pa nila, dapat daw ipaglaban ko ang gusto ko, na sabihin kong ayaw kong umalis, na ayaw kong iwan mga kaibigan ko, na masaya na ako dito.. as if hindi ko na idinahilan yun dati.. tiniis ko ang mga jokes nila.. alam ko, sasabihin ninyo, mon, joke nga lang naman yun, e! wag mo masyadong seryosohin!.. pero, tandaan ninyo, jokes are half-meant.. katuwaan nga lang, sinusubukang gawing katawa-tawa ang isang nakalulungkot na sitwasyon.. pero, di parin maitatago ang katotohanan na sa bawat biro nila'y may pait at sakit silang nais iparating.. tinanggap ko na sa sarili ko ang mga mangyayari.. okay na sa akin ang lumipat.. masaya pa nga ako't parang mabibigyan ako ng isa pang pagkakataon para magbago.. ang pinaka-rason ko kung bakit ayaw ko sa bagong dorm ay mayayaman silang lahat doon.. masyadong strikto.. mabigat pa sa bulsa namin.. hirap na nga kaming bayaran ang Tuition Fee ng Mapua, lilipat pa ako sa isang dorm na di yata kakayanin ng budget namin.. marami rin naman kasing rason si mama kung bakit gusto niya akong ilipat, e.. una, walang kontrata for the first 6 months of stay ko dun.. kasi pwede akong umalis sa mapua at hindi pag-2nd year dun pag hindi ako nakakuha ng scholarship.. pangalawa, mukhang mas matino naman kasi mga tao dun, not to mention the management.. yun nga naman kasi ang kahinaan ng dorm ko ngayon.. huli, tingin ni mama mas makakapag-aral ako dun.. ako na mismo ang naga-agree dun.. very conducive ang rooms dun for studying.. para maging mas madali sa akin ang pagtanggap sa mga pangyayari, iniisip ko nalang ang mga pros ng paglipat ko dun.. mas makakapag-aral ako dun, lalo na't kailangan na kailangan ko talagang makakuha ng matataas na grades.. mukhang mas close sila sa isa't-isa, di katulad dito sa dorm na may kanya-kanyang grupo.. mukha rin naman kasing mas matitino mga tao dun, kasi ayaw nga naman ng mga mayayaman na pamilya na ipagkatiwala sa kung kani-kanino lang ang anak nila.. mas maganda ang pamamalakad nila dun, di katulad dito sa magallanes na walang nangyari sa kaso ng nawala kong cellphone.. and to think pinagmamalaki nila na may camera daw sa hallway at matatakot ang magnanakaw na gumawa ng katarantaduhan.. walang naga-addict mode dun, at hanggang 10pm lang ang computer shop dun... at least mas magkakaroon ako ng control sa sarili ko pagdating sa pagco-computer.. lahat yan, dinusa ko.. lahat yan, tiniis ko.. lahat yan, pinag-isipan ko.. tapos, kung kailang okay na sa akin, ngayon pa sasabihin na malaki ang possibility na hindi ako matutuloy dun.. naknampucha.. free day ko ang tuesday.. ayaw kong mag-madali sa paglilipat ng mga gamit ko pagdating ng june1, kaya inunti-unti ko na ang pagdala ko ng mga gamit ko dun.. dun ko lang nalaman na andami ko palang classmates sa physics na nagdo-dorm din pala sa madrigal.. sinabi na rin nung isa kong dormmate sa kaibigan niyang taga-doon na lilipat ako dun.. hell, may mga nakakita pa nga sa akin na naglilipat dun, e.. tapos, pagkatapos kong maglipat ng marami-raming gamit dun, nakatanggap ako ng text galing kay mama.. m, wag ka munang maglipat ng gamit.. napa-eyng? ako.. bakit naman? nung nalaman ko kung bakit, okay lang naman sa akin, pero nandun parin yung disappointment, e.. kung ano man ang dahilan na yun, akin nalang muna siguro yun.. bakit disappointment, kamo? kasi naman, andami kong pinagdaanan para matanggap ko ang paglipat ko.. in fact, dumating na nga ako sa point na masaya na rin ako't lilipat na ako.. tapos malalaman mo nalang hindi na matutuloy? nag-text sa akin kanina si mama.. mamayang umaga daw, pupunta siya dito.. ewan ko kung bakit.. basta, sana lang, ang dala niya para sa akin ay puro magagandang balita.. sana lang, dun na ako mag-dorm.. ipinagdadasal ko fervently na matuloy ako.. please, sana lang talaga.. as i'm nearing my departure, i can't help but feel sad.. not only because i'm leaving, but also because of the kind of treatment that i've been receiving since i told them i'm leaving.. d'you have any idea how i'm being treated here? think ostracism.. uhmm, not that bad, but it's close.. i didn't do anything to deserve this.. i do what i can to please them, to not offend them.. and this what i get back in return? maybe leaving IS a good choice after all.. so much for so-called friends.. sheesh.. pa-borrow muna ng post from this LiveJournal.. parehong-pareho kasi kami ng sentiments, e.. *** Geez, still cant refrain myself from checking out your blog. Why do I find you so interesting? I want to know you more, I want to be close to you. Everyday, lovely plans constantly enter my mind. I want you to experience those plans but I dont know how. Im afraid. I think I'm starting to feel bad being so crazy over bloghopping. If I didnt engage myself in exploring other journals, Im perfectly sure, I will have no idea about you. I wouldnt know that something true is still existing in this world of lies. Allow me to touch your life, your heart. I hate things like this, I cant do anything. Well yeah, I can do something but I dont know how to do it in the right way. Please dont change your LJ [dead giveaway.. sana mahalata mo..] account to "friends only". I draw strength from your entries. I still want to be strong. I know I'm bound to love someone very soon. I just know. *** i know i don't stand a chance.. what's to like about me? and if [and that's a very BIG if..] there IS something to like, will that be enough reason for me to be loved? *** i saw light in one of your blog entries.. sana ako yung tinutukoy mo.. [teka lang.. inde yung quinote ko yung sinasabihan ko, ha.. siya..] *** quote ko ulit.. Tangina. Naiiyak nako.
hmm.. idealist daw o.. pwede lang.. i think i am kind of an idealist, pero i don't think the description of an idealist fits me well.. oh well.. it's just a quiz lang naman, e.. i wouldn't take it too seriously.. just like that IQ test in Tickle that said i had an IQ of 133.. yeah right.. nung thursday kasi, nagyaya sina Tintin and gang na mag-KTV [inde daw karaoke.. cheap ang karaoke, sosy ang KTV..^_^].. hindi ako sumama mainly kasi i still have my Physics Lab class ko later that day.. another is that i don't do KTV.. pati, nahihiya ako.. kahit sabihin natin na kami-kami lang naman ang nandun at nagkakasayahan, nahihiya parin ako kasi sobrang insecure ako sa voice ko.. i love to sing, pero not in front of crowds or anything.. i love music kasi, and i think that it follows na if you like music, you like to sing, too.. sinabi nga sakin ng mom ko na maganda ang voice ko.. i'm not saying na nagsisinungaling siya, pero diba parang di rin kabilib-bilib kasi, hello, nanay ko siya.. she's supposed to make her children feel good.. pero i commend her for doing so.. tapos nung wake ni Tita Edith [so sad, btw..], narinig ako ni Tito Sergio na kumanta, at sinabi niya na next time daw na may reunion sa Tuao, pakakantahin niya ako kasi maganda daw ang boses ko.. for starters, kung maganda man ang boses ko, no way na kakanta ako.. nakakahiya.. baka bigla akong mapiyok o mawala sa tono pag kumanta ako.. tapos, i really don't do well in crowds.. stage fright, ba.. a basta... inde ako kakanta! i'm sorry, pero can' we do anything about the FUCKIN heat? my god.. kanina, ChemLab namin.. shet, soooooobrang init.. to make it worse than it already is, nasa topmost floor pa naman yun.. tapos madali pa naman akong mapagod, kaya mahingal-hingal ako pagdating sa room.. tapos, sinabi ni Mam Madulid, ipapa-aircon na daw ni Vea yung mga ChemLabs... i mean, bakit? kung kailan [hopefully] tapos ko na ang chemlab? i may sound mean and cruel, pero please, wag na! nagdusa kami, dapat sila din! pesteng summer heat.. pero everytime naiisip ko ang mga panahon namin sa Tuguegarao, nagiging thankful ako kahit papaano.. sobrang init talaga dun.. another thing that cheers me up ay yung pagbalik namin sa bayombong.. i mean, wow.. malameeeeeeeeeeg!
britney sure knows how to get her fans all giddy and giggly.. just today, nai-release sa internet ang tracklist ng reality show nina Britney at Kevin.. what's more, mukhang totoo kasi almost all of the songs listed were mentioned and confirmed before.. so mukhang totoo.. sana nga.. kasi i've been LONGING for new britney material since her 2003 album 'In The Zone'.. i won't count her 'Greatest Hits: My Prerogative', kasi there were only two new tracks there, e.. anyway, for those curious few who wish to know what songs are included in the tracklist, take a good look below: [Chaotic] [Money, Love, Happiness] [Memories] [Hollow Sound] [Your Pretty Eyes] [Take Off] [U-Turn (With Kayne West)] [From Bad 2 Worse] [Mona Lisa (She's Gone)] [The Style] [Guilty] [Drive Into Me] [Tell Me What You're Sippin' On] [I See Your Face Everyday (With Kevin Federline)] [I've Had The Time Of My Life (With Kevin Federline)] only one smiley can express my emotions right now:
ano ba yan.. nawawalan na ba po ng viewers at bumubulusok ang ratings ang show ko kaya reformat agad? ambilis naman.. new season agad.. siguro mas humatak sa ratings ang show ko nung nandun pa kami, at sa tingin niyo rin ay mas hahatak ako ratings pag dinala ninyo ako dun.. gets niyo ba? tingin ko inde.. well, heto ang spoilers para tulungan ang mga viewers kong napaka-clueless: *spoiler start* [highlight to reveal] - aalis na kami sa calamba.. babalik sa good 'ol Bayombong! yahoo! ehehehe.. - lilipat na ako ng dorm.. from Magallanes to Madrigal.. [and to think sinasabi ng mga current dormmates ko may silent 'feud' daw ang dalawang dorms.. well, wala akong nakikita, so inde ako naniniwala..] *spoiler end* haaay.. ganyan ba talaga ang buhay? kulang nalang ay lumipat na rin ako ng school.. oist! joke lang po yun! wag ninyo akong ilipat ng school, please! masaya na ako dito! seriously.. masaya na ako dito sa Mapua! so... welcome to my new blog.. why a new one? kasi hindi ko na nagustuhan ang image ng blog ko nung bandang huli.. parang pilit.. why a cleaner layout? ewan.. mas nagustuhan ko lang ito kasi nacu-customize ko ito.. wala kasi masyadong ek-ek unlike my last blog.. marami pa po akong ie-edit dito.. like yung content nung dalawang sidebars at yung white boxes ko jan sa upper corners.. simula sa next post ko, i will be speaking to you as if you are scriptwriters.. ngayon palang winarn ko na kayo.. baka kasi magtaka kayo sa susunod, e.. ^_^ in the meantime, maraming salami for visiting!.. |
viewers watched the show.. | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Reception problems? That's because this show is best viewed with Internet Explorer 6.x and lower, with a 1024 x 768 resolution.. |
the monarch show |